^

Bansa

Higit 100 ‘di bakunadong commuters, pinababa sa PUVs

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Higit 100 �di bakunadong commuters, pinababa sa PUVs
Naging maagap ang Quezon City government sa pagbibigay ng unang dose ng bakuna ng COVID-19 sa mga ‘di bakunadong pasahero na pinagbawalang sumakay sa mga pampublikong transportasyon kahapon.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Mahigit 100 commu­ters na hindi pa bakunado ang pinababa sa mga pampublikong transportasyon sa unang araw ng ‘no vaccination, no ride policy’ ng Department of Transportation (DOTr) sa National Capital Region (NCR) nitong Lunes.

Tulad ng inaasahan, nagpakalat ang pamahalaan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Inter-agency Council for Traffic (I-ACT) sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila upang mag-inspeksiyon sa mga PUVs para sa mga ‘di pa bakunadong pasahero.

Sa pagtaya ng I-ACT, mahigit sa 100 unvaccinated passengers ang napababa sa mga PUVs nitong Lunes ng umaga at pinagsabihang magpabakuna muna.

May ilan ding mga drivers ang sinita at pinatigil sa pamamasada matapos na matuklasang hindi pa bakunado ang mga ito o isang dose pa lang ng bakuna ang natatanggap.

Hindi rin muna inisyuhan ng tiket ang mga taong lumabag sa polisiya.

Ang “no vax, no ride” policy ay alinsunod sa direktiba ni Pang. Duterte na limitahan ang galaw ng mga hindi bakunadong indibiduwal sa National Capital Region, upang maprotektahan sila laban sa COVID-19.

Exempted naman ang mga taong may medical conditions na humahadlang sa kanila sa pagpapabakuna at mga unvaccinated people na bibili ng essential goods o mag-a-avail ng services, at ma­ging ang mga patungo sa vaccination sites.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with