^

Bansa

‘No vax, no ride’ sa PUVs, arangkada na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�No vax, no ride� sa PUVs, arangkada na
Naglagay na ng ‘No Vaccine, No Ride’ sign ang mga bus sa EDSA alinsunod sa kautusan ng gobyerno na nagbabawal sa mga hindi bakunado na sumakay sa mga pampublikong sasakyan si­mula nga­yong araw.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Nakatakda nang magsimula ngayong Lunes, Enero 17, ang pagpapairal sa ‘no vaccination, no ride policy’ sa mga pampublikong transportasyon sa National Capital Region (NCR).

Sa ilalim ng kautusan na inisyu ng Department of Transportation (DOTr), hindi muna papayagan ang mga hindi bakunadong indibiduwal na sumakay ng mga pampublikong transportasyon, habang nakataas pa ang COVID-19 Alert Level 3 sa NCR, upang maprotektahan sila laban sa COVID-19, partikular na sa mas nakakahawang Omicron variant nito.

Ang naturang polisiya ay magkatuwang na ipaiiral ng DOTr, Metropo­litan Manila Development Authority (MMDA), Highway Patrol Group (HPG), Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) at local government units.

Magde-deploy din ang DOTr ng ‘mystery passengers’ sa public transportation na siyang magtsi-check kung naipapatupad ba ang naturang polisiya.

Babala ng DOTr, ang mga PUV drivers na matutuklasang may sakay na hindi bakunadong pasahero ay pagmumultahin ng ?5,000 para sa unang paglabag at ?10,000 sa ikalawang paglabag.

Sa ikatlong paglabag ay mahaharap na aniya ang tsuper sa ?15,000 multa at posibleng suspensiyon o kanselasyon ng prangkisa.

Exempted sa polisiya ang mga taong may medical conditions kaya’t hindi maaaring magpabakuna ngunit kailangang magpakita sila ng duly-signed medical certificate na may pangalan at contact details ng kanilang doktor, gayundin ang taong kailangang lumabas para sa essential goods at services, ngunit dapat na may dalang duly issued barangay health pass o iba pang katibayan na magbibigay ng hustipikasyon sa kanyang pagbiyahe.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) technical division chief Joel Bolano ang mga public utility vehicle (PUVs) drivers na isumbong sa kanilang tanggapan ang sinumang enforcers na maaaring gumamit sa bagong “no vaccination, no ride” policy upang makapangikil.

vuukle comment

DOTR

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with