Canino magiging bagong ‘Phenom’
MANILA, Philippines — Bumanat si Angel Canino ng 17 points tampok ang 15 attacks sa 22-25, 25-19, 25-16, 25-20 paggupo ng Alas Pilipinas sa Australia sa kanilang debut game sa 2024 AVC Challenge Cup for Women noong Huwebes ng gabi.
Isa ang 20-anyos na UAAP Season 85 Rookie of the Year-Most Valuable Player ng De La Salle Lady Spikers sa mga hinangaan ng 4,945 fans sa Rizal Memorial Coliseum.
“I think hindi naman ako iyong big reason,” pagpapakumbaba ng 5-foot-11 na si Canino. “The big reason is iyong team work kasi given our short time to prepare pero nagawa namin to which was led by the coaches and ate Jia (De Guzman) talaga.”
Umiskor din ng 17 markers si PVL star Eya Laure, habang may 16 at 15 points sina Sisi Rondina at 6’2 Thea Gagate, ayon sa pagkakasunod, para sa panalo ng mga Pinay spikers sa mga Aussies.
“Nakakatuwa lang din kasi pina-follow namin si ate Jia and the coaches, that’s why we had teamwork at sobrang bilis lang mag-gel ng team,” dagdag ni Canino.
Nag-ambag si De Guzman ng anim na puntos at siyam na excellent sets.
“Every game for us will be a big learning experience talaga. This win is great pero marami rin kaming mapupulot na errors, lessons that can help us achieve results in the following games,” sabi ng 29-anyos na si De Guzman.
Matapos ang India ay haharapin ng Alas Pilipinas ang Iran ngayong alas-7 ng gabi.
Bukas ay sasagupain ng national team ang Chinese Taipei sa parehong oras.
- Latest