Indiana gagamitin ang bilis kontra Boston sa Game 1
BOSTON — Bago pa man magsimula ang regular season ay inaasahan nang papasok ang Celtics sa NBA Finals.
Ngunit kailangan muna nilang iligpit ang Indiana Pacers sa kanilang Eastern Conference best-of-seven championship series.
“Just be able to focus the mind on what matters because it’s easy to get distracted or eluded from what the overall goal and what the target is when you start to entertain kind of everything that’s going around you,” wika ni Boston guard Jaylen Brown.
Sinibak ng Celtics ang Jimmy Butler-less Miami Heat sa first round, 4-1, at ang Cleveland Cavaliers sa semifinals, 4-1, papasok sa conference finals.
Pinatalsik naman ng Pacers ang Giannis Antetokounmpo-less Milwaukee Bucks sa first round, 4-2, at ang New York Knicks sa semis, 4-3.
Nagtala si Jayson Tatum ng mga averages na 24.3 points at 10.4 rebounds para sa Boston habang kumamada si Brown ng 23.1 points average.
“It’s going to be a challenge. They get up and down and we like to as well. It’s going to be fun,” ani Derrick White, may 18.2 points average, sa pagsagupa nila sa Indiana.
Gagamitin naman ng Pacers ang kanilang bilis para talunin ang Celtics sa serye.
Binanderahan ng Indiana ang NBA sa kanilang 123.3 points per game sa regular season, ang sixth-highest average sa league history, at nagtala ng isang record sa pag-iskor ng 140 points sa 11 pagkakataon.
- Latest