^

PSN Palaro

Morado gagabayan ang Alas Pilipinas

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ito pa lamang ang ikalawang pagkakataon na tatayong team captain ng isang koponan si veteran setter Jia Morado.

Kaya naman malaki ang pagkakaiba nang giyahan niya ang Ateneo Lady Eagles sa UAAP Season 79 noong 2017 at ngayon sa Alas Pilipinas para sa 2024 AVC Challenge Cup.

“Leading Ateneo as the team captain, I’ve been with the girls for years. This time around with the national team, we seniors are expected to lead players from different systems,” sabi ng 29-anyos na naglaro para sa Creamline sa PVL at sa Denso Airybees sa Japan.

Ipapasa ni Morado sa kanyang mga teammates sa Alas Pilipinas ang mga natutuhan sa Japanese league.

Makakasama ni Morado sa national team sina Eya Laure, Sisi Rondina, Vanie Gandler, Dell Palomata, Cherry Nunag, Fifi Sharma, Faith Nisperos, Jen Nierva at Dawn Catindig at collegiate standouts Angel Canino, Thea Gagate, Julia Coronel at Ara Panique.

Bukas sisimulan ng Alas Pilipinas ang kampan­ya sa AVC Challenge Cup kotra sa Australia sa alas-7 ng gabi.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with