^

PSN Palaro

Yulo may ginto uli sa Asian Championships

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Yulo may ginto uli sa Asian Championships
Carlos Yulo.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Hindi maawat si world champion Carlos Edriel Yulo matapos muling kumana ng gintong medalya sa 2024 Asian Championships Men’s Senior Artistic Gymnastics na ginaganap sa Tashkent, Uzbekistan.

Pinagharian ni Yulo ang kanyang paboritong men’s floor exercise kung saan naglatag ito ng solidong performance para masi­guro ang gintong medalya.

Nakakuha si Yulo ng 14.933 puntos para ma­tagumpay na madepensahan ang kanyang korona sa floor exercise sa natu­rang Asian meet.

Ito ang ikatlong sunod na ginto ni Yulo sa floor exercise sa Asian Cham­pionships kung saan naghari rin ito noong 2023 at 2022 edisyon ng torneo.

Inilampaso ni Yulo si Milad Karimi ng Kazakhstan na may 14.600 points para sa pilak gayundin si Yang Yanzhi ng China na may malayong 14.200 puntos para sa tanso.

Bigong makapasok sa Top 3 si John Ivan Cruz na nagtapos sa ikaapat na puwesto bitbit ang 13.966 puntos.

Sa kabuuan, may dalawang gintong medalya na si Yulo matapos angkinin ang ginto sa individual all-around noong Biyernes.

Hindi naman pinalad si Yulo na makahirit ng me­dalya  sa still rings kung saan nasa ikaanim na puwesto lamang ito sa nakuha nitong 13.533 points.

vuukle comment

CARLOS EDRIEL YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with