^

PSN Palaro

GSM, SMB itatagay ang 2-0 bentahe

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
GSM, SMB itatagay ang 2-0 bentahe
Muling haharapin ng Gin Kings ang Meralco Bolts sa Game Two nga­yong alas-3 ng hapon kasunod ang pakikipagtuos ng Beermen sa Rain or Shine Elasto Painters sa alas-6:15 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Itatayo ng Barangay Ginebra at San Miguel ang malaking 2-0 lead sa kani-kanilang best-of-seven semifinals series sa Season 48 PBA Philippine Cup.

Muling haharapin ng Gin Kings ang Meralco Bolts sa Game Two nga­yong alas-3 ng hapon kasunod ang pakikipagtuos ng Beermen sa Rain or Shine Elasto Painters sa alas-6:15 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pinatumba ng Ginebra ang Meralco sa Game One, 92-88, para kunin ang 1-0 abante sa kanilang semifinals showdown.

Sinabi ni Gin Kings coach Tim Cone na maha­laga ang panalo sa Game One sa isang serye, lalo na laban sa Bolts ni mentor Luigi Trillo.

“The bottom line is it’s Game One,” ani ng two-time PBA Grand Slam champion coach. “It’s a long series. It’s a lot of games ahead of us. It’s just nice to get the first one out of the way, as it always is in a series.”

Ilang beses nang nag­laban ang Ginebra at Meralco sa huling laro ng isang serye kung saan ang huli ay sa quarterfinals ng 2023 Philippine Cup.

Itinakas ng Bolts ang 106-104 panalo laban sa Gin Kings sa best-of-three decider.

Sina Scottie Thompson, Christian Standhardinger, Stanley Pringle, Japeth Aguilar, Maverick Ahanmisi at rookie Ralph Cu ang babandera sa Ginebra katapat sina Chris Newsome, Allein Maliksi, Chris Banchero, Cliff Hodge at Raymond Almazan ng Meralco.

Kagaya ng Gin Kings, itatagay din ng Beermen ang 2-0 bentahe sa kanilang serye ng Elasto Painters matapos ilusot ang 101-98 panalo sa Game One.

Sa nasabing pag-eska­po ng SMB sa Rain or Shine ay humakot si seven-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 23 points, 11 rebounds, 5 assists at 3 blocks.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with