^

PSN Palaro

St. Benilde, Letran bakbakan sa Game

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kakapitan ng defending champions College of Saint Benilde Lady Blazers sina Wielyn Estoque at Gayle Pascual pagharap nila sa Letran Lady Knights sa Game 1 ng best-of-three finals ng NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na lalaruin sa FilOil EcoOil Centre San Juan ngayong araw.

Sinagasaan ng three-peat seeking CSB ang mga nakatunggali sa nine-game elimination round kaya naman dumiretso na sila sa finals at naging stepladder match ang labanan sa semifinals.

Pero para kay CSB head coach Jerry Yee, parehas na lang ang mga teams pag nagharap na sila sa finals.

“Expectations aside, all teams are on equal foo­ting when they get to the finals. Both teams have to execute their plans and strategies,” ani Yee.

Magsisimula ang bakbakan sa alas-2 ng hapon, paniguradong labasan ng galing agad ang dalawang koponan upang masungkit ang panalo at mamuro sa kampeonato.

Unang beses pa lang maghaharap sa championship round ang Taft-based squad at Letran kaya asahang makapigil hininga ang magiging bakbakan.

Bukod kina Pascual at Estoque, ang ibang kakapitan ni Yee sa opensa ay sina Zamantha Nolasco, Jessa Dorog, Jade Gentapa at Michelle Gamit.

Dominado ng Lady Blazers ang halos lahat ng departments, nangunguna sila sa spiking, serving, setting, at receiving kung saan ay si opposite hitter Pascual ang may pinakamataas na rate na 36.87 percent.

vuukle comment

CSB

ESTOQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with