Gilas training sa Hunyo
MANILA, Philippines — Alam ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na matinding laban ang haharapin ng kaniyang tropa sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Riga, Latvia sa Hulyo.
Kagrupo ng Pilipinas ang mga world-class teams na mas mataas ang rankings sa FIBA — ang Latvia at Georgia.
Subalit siniguro ni Cone na hindi aatras sa laban ang kaniyang tropa.
“Anything is possible,” ani Cone.
Desidido itong pukpukin sa ensayo ang national team sa training camp sa Hunyo sa Inspire Sports Academy sa Calamba.
“We look at all the teams. They’re big, they are athletic, but they’re not impossible in our mind. I’m really excited, and the players are super excited about it,” ani Cone.
Hindi na bago ang Gilas Pilipinas sa ganitong sitwasyon dahil mga bigating team din ang nakalaban noong 2023 FIBA World Cup.
Isasabak ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang Gilas Pilipinas sa dalawang tune-up games laban sa Turkey at Poland bago ang Olympic Qualifying Tournament.
- Latest