^

PSN Palaro

Solomon inialay ang UAAP Finals MVP trophy sa mga dating coaches

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Solomon inialay ang UAAP Finals MVP trophy sa mga dating coaches

MANILA, Philippines — Emosyunal si National University Lady Bulldogs spiker Alyssa Solomon nang mahirang itong UAAP Season 86 Finals Most Valuable Player noong Miyerkules ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tinapos ng Lady Bulldogs ang University of Santo Tomas Golden Tigresses 25-23, 23-25, 27-25, 25-16 sa Game 2 ng kanilang best-of-three finals matapos silang akbayan ng 22-anyos na si Solomon matapos magtala ng 27 points mula sa 20 attacks, apat na blocks at tatlong service aces.

Ayon sa 6-foot-1 opposite spiker inaalay niya ang kanilang tagumpay sa mga dating mentors nito sa volleyball.

“Nagpapasasalamat ako sa mga dating coach namin na nagbigay sa amin ng kakayahan na maging ganito kalakas, lalo na sa mga mahahalagang yugto ng mga torneo,” wika ni Solomon.

Ayon kay Solomon, malaki ang naitulong ng mga dati nilang coach kaya sila naging mas mabangis sa labanan lalo na sa mga dikdikang paluan.

“Yung hugot namin ga­ling sa mga da­ting coach namin na nagturo sa amin na magsikap mula umpisa hanggang wakas, 100 percent effort,” ani Solomon.

Kasama si Solomon sa mga nahubog mula Nazareth School of National University hanggang sa collegiate, nakasama niya sina two-time MVP Bella Belen, Sheena Toring, Erin Pangilinan, Camilla Lamina at Chams Maaya.

Ang tinutukoy ni Solomon ay sina Babes Castillo at Regine Diego na noong nasa high school years pa lang ay nagagabayan na siya.

Si Solomon ay isa na ngayong two-time Best Opposite Spiker at kasama siya sa mga umaakay sa Lady Bulldogs sa tatlong sunod na finals appea­rances.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with