Lyceum, Arellano bakbakan sa panalo

MANILA, Philippines — Nakahanda ng pumalo ang magkakamping sina Johna Denise Dolorito at Joan Doguna para itaguyod ang Lyceum of the Philippines sa pagharap nila sa Arellano University sa stepladder semifinals ng NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na lalaruin sa FilOil EcoOil Centre ngayong araw.

Magsisimula ang hatawan ng bola sa alas-2 ng hapon.

Paniguradong itotodo ng dalawang koponan ang kanilang lakas dahil wala ng bukas ang bakbakan nila.

Naging stepladder ang labanan matapos walisin ng two-time defending champions College of Saint Benilde Lady Blazers ang nine-game elimination round.

Lumanding sa No. 2 ang Letran Lady Knights na may 7-2 record habang No. three at four ang LPU (6-3) at Arellano U (6-3).

Sina Dolorito at Doguna ang pambato ng Intramuros-based squad sa puntusan noong nakaraan lamang ay mainit ang na­ging ope­nsa ng nasabing dalawang manlalaro.

Makakaharap ng ma­nanalo sa pagitan ng Ly­­ceum at Arellano ang Letran at ang mananalo sa dalawang koponan ang siya namang sasagupa sa sa CSB sa best-of-three finals.

Show comments