La Salle, CEU agawan sa 1-0 lead

MANILA, Philippines — Sisimulan ng EcoOil-La Salle ang misyon para sa kanilang asam na ‘three-peat’ sa pagsagupa sa Centro Escolar University sa Game One ng 2024 PBA D-League Aspirants’ Cup Finals sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Nakatakda ang duwelo ngayong alas-7:30 ng gabi.

Hindi pa natatalo ang Green Archers, kampeon din sa UAAP, sa pitong laro sa kumperensya na pilit na mamantsahan ng Scorpions.

“There are still games to be played. Di naman kami nag champion sa (elims) at sa semis lang,” ani assistant coach Gian Nazario.

Winalis ng La Salle ang Go Torakku-St. Clare, 2-0, sa semis habang tinakasan ng CEU, ang back-to-back UCAL champions, ang Marinerong Pilipino-San Beda, 78-56, sa do-or-die Game Three.

Show comments