^

PSN Palaro

Brownlee nagkaroon ng injury sa IBL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Brownlee nagkaroon ng injury sa IBL
Justin Brownlee.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagtamo ng injury si Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee sa paglalaro nito para sa Pelita Jaya sa Indonesia Bas­ketball League (IBL).

Sa post ng IBL sa social media ay inihayag nito ang sitwasyon ni Brownlee kung saan kasama ito sa tatlong players ng Pelita Ja­ya na may injury.

Nakasaad na nagtamo ito ng ‘contusion’ na ma­ngangailangan ng isa hanggang tatlong linggong pahinga para gumaling.

Isa pa naman si Brownlee sa mga aasahan ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Olympic Qualifying Tourna­ment na gaganapin sa Hulyo sa Riga, Latvia.

Nakikipag-ugnayan ang Gilas Pilipinas coa­ching staff kay Brownlee upang malaman ang sit­was­yon nito.

Tiniyak naman ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na walang dapat ipa­ngamba dahil minor lamang ang injury ni Brownlee.

Mangangailangan lamang ito ng sapat na pa­hi­nga para tuluyan itong gumaling at mabilis na ma­kabalik sa paglalaro si Brownlee.

Ayon kay Cone, ito ang parehong injury na tinamo ni Brownlee sa kasagsa­gan ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2023 Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia.

Si Brownlee ang bu­man­dera sa kampanya ng Gilas Pilipinas para mabawi ang gintong medalya sa SEA Games.

Matapos ang SEA Games ay agad na sumalang si Brownlee sa minor operation.

vuukle comment

BROWNLEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with