^

PSN Palaro

Eala mapapalaban sa 2nd round ng Madrid Open

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala mapapalaban sa 2nd round ng Madrid Open
Alex Eala
STAR/File

MANILA, Philippines — Muling mapapalaban si Alex Eala dahil makakasagupa nito sa second round si world No. 30 Sorana Cîrstea ng Romania sa Madrid Open na ginaganap sa Madrid, Spain.

Inaasahang ilalabas ng 18-anyos Pinay netter ang naitatago nitong lakas para masiguro ang pag-entra sa third round ng event.

Matikas ang rekord ni Cîrstea na nasa No. 22 sa world ranking ng Women’s Tennis Association (WTA) noong Pebrero at Marso.

Malalim din ang karanasan nito na sumasalang na sa malalaking WTA tournaments na magsisilbing armas nito kontra kay Eala.

Sa kabilang banda, ka­salukuyang nasa ika-170 si Eala sa WTA rankings.

Sariwa pa si Eala sa matamis na tagumpay kay world No. 41 Lesia Tsurenko ng Ukraine sa first round noong Martes.

Masama ang simula ni Eala na lumasap ng 2-6 kabiguan sa first set.

Subalit hindi agad ito nawalan ng pag-asa.

Bumanat ng matitin­ding atake at serves si Eala sa mga sumunod na sets upang pigilan ang Ukrainian netter sa pamamagitan ng 2-6, 6-4, 6-4 come-from-behind win.

vuukle comment

ALEX EALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Vape!
1 day ago
1 day ago
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with