Bonus selyado sa Lady Bulldogs

MANILA, Philippines — Nasikwat ng last year’s runner-up National University ang twice-to-beat incentives matapos lapain ang Far Eastern Univeristy, 25-21, 25-19, 25-2 sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kahapon.

Sinandalan ng Lady Bulldogs si Alyssa Solomon matapos kumana ng 13 points mula sa 12 attacks at isang block, tinapos nila ang elimination round na may 12-2 karta para masolo ang tuktok ng team standings at masiguro ang insentibo.

Nanatili naman ang Lady Tamaraws sa No. 4 spot tangan ang 9-5 record sa event na may 14-game elimination round.

Mabibiyayaan ng bonus ang top two teams kaya naman may isa pang slot na paglalabanan.

Magkasalo sa se­cond place ang defending champions De La Salle University at University of Santo Tomas hawak ang tig-11-2 cards, sila ang magkalaban sa Sabado at ang mananalo ang siyang magbubulsa ng insentibo.

Samantala, nagwagi ang Ateneo Lady Eagles kontra Adamson University Lady Falcons, 25-13, 25-17, 25-21 sa unang laro.

Show comments