TNT bubuhayin ang tsansa sa quarters

Sasagupain ng Tropang Giga ang Phoenix Fuel Masters ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang banggaan ng Terrafirma Dyip at NorthPort Batang Pier sa alas-4:30 ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
PBA Image

MANILA, Philippines — Pipilitin ng TNT Tropang Giga na makabangon agad para buhayin ang tsansang makasama sa eight-team quarterfinal round ng Season 48 PBA Philippine Cup.

Sasagupain ng Tropang Giga ang Phoenix Fuel Masters ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang banggaan ng Terrafirma Dyip at NorthPort Batang Pier sa alas-4:30 ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Solo ng quarterfinalist na San Miguel ang liderato bitbit ang 7-0 record kasunod ang Magnolia (5-2), Barangay Ginebra (6-3), NLEX (5-3), Rain or Shine (5-5), TNT (4-4), NorthPort (4-5), Terrafirma (4-5), Blackwater (3-5), Phoenix (3-5), Meralco (3-5) at sibak nang Converge (1-8).

Nakalasap ang Tropang Giga ng 83-87 kabiguan sa Gin Kings kung saan sila nakabangon mula sa 13-30 pagkakabaon sa first period.

Umiskor naman ang Fuel Masters ng 112-77 pagbugbog sa Road Warriors para buhayin ang pag-asa sa quarterfinals.

“This is big kasi you’re in the bottom of the stan­dings, you got up and med­yo gumanda-ganda tayo mo ngayon unlike before,” sabi ni coach Jamike Jarin. “Pero still, a lot of work still has to be done to get to the playoffs.”

Para magawa ito ay kailangang talunin ng Phoenix ang TNT, Meralco sa Abril 26 at Blackwater sa Mayo 4.

Show comments