National University sisikwat ng bonus sa Far Eastern University
MANILA, Philippines — Huhugot ng puwersa ang National University kay Mhicaela Belen sa pagharap nila sa Far Eastern University sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum ngayong araw.
Pakay ng Lady Bulldogs na masungkit ang tuktok ng team standings upang makasiguro ng isa sa dalawang twice-to-beat incentives na ibibigay sa top two teams pagkatapos ng 14-game elimination round.
Kasalukuyang nag-aagawan sa unahan ang NU, defending champions De La Salle University at University of Santo Tomas na may tig-11-2 cards.
Kailangan lang kalusin ng Lady Bulldogs ang Lady Tams at mapapasakanila ang inaasam na bunos dahil magkatapat ang DLSU at UST sa kanilang huling laban.
Magsisimula ang paluan sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng Ateneo at Adamson sa alas-2 ng hapon.
- Latest