^

PSN Palaro

Heat bugbog sa Celtics sa series opener

Pilipino Star Ngayon
Heat bugbog sa Celtics sa series opener
Bigo ang tatlong Heat players na pigilan ang layup ni Jayson Tatum ng Celtics.

BOSTON — Itinala ni Jayson Tatum ang 23 points, 10 rebounds at 10 assists para sa una niyang career playoff triple-double sa 114-94 paggupo ng Eastern Conference top seeded Celtics sa Miami Heat sa kanilang first-round playoff series.

Nag-ambag si Derrick White ng 20 points para sa 1-0 lead ng Boston sa best-of-seven series at nagposte ng 34-point lead sa Miami sa fourth quarter.

Kumonekta ang Celtics ng franchise playoff record na 22 three-pointers at umiskor ng 31 points sa third quarter kumpara sa 14 markers ng Heat na nakahugot kay Bam Adebayo ng 24 points.

Nagdagdag si Delon Wright ng 17 points kasama ang career-high na limang triples at may 16 at 11 markers sina Jaime Jaquez Jr. at Tyler Herro, ayon sa pagkakasunod.

Muntik magkaroon ng rambulan nang masahod ni Miami guard Caleb Martin si Tatum sa huling minuto ng fourth period kung saan bumagsak ang Boston star.

Sa Milwaukee, kumamada si Damian Lillard ng 35 points sa first half sa 109-94 pagsuwag ng Gian­nis Antetokounmpo-less Bucks sa Indiana Pacers.

Sa Oklahoma City, humataw si Shai Gilgeous-Alexander ng 28 points, kasama ang three-point play sa huling 32.5 segundo, para sa 94-92 paglusot ng top-seeded Thunder sa New Orleans Pelicans sa Game One ng kanilang first-round Western Confe­rence playoff series.

Sa Los Angeles, umiskor si James Harden ng 28 points at humakot si Ivica Zubac ng playoff-career high 20 points at 15 rebounds sa 109-97 panalo ng Clippers sa Dallas Ma­vericks.

Pumukol din si Harden ng anim na tres bukod sa walong assists habang may 22 points si Paul George para sa Clippers na naglaro na wala si injured forward Kawhi Leonard.

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Vape!
1 day ago
1 day ago
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with