Lady Spikers sabit sa 3-way tie sa unahan
MANILA, Philippines — Hindi nagpaiwan sa tuktok ng team standings ang defending champions De La Salle University Lady Spikers matapos nitong panain ang 25-12, 25-12, 25-18 panalo kontra Ateneo Lady Eagles sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum kahapon.
Nakisiksik ang Taft-based squad sa three-way tie sa top spot kasama ang University of Santo Tomas Golden Tigresses at last year’s runner up National University Lady Bulldogs.
Tangan ng Lady Spikers, Golden Tigresses at Lady Bulldogs ang tig-11-2 records kaya naman agawan pa rin sila sa dalawang twice-to-beat incentives na ibibigay sa top two teams pagkatapos ng 14-game elimination round.
Nalasap ng Lady Eagles ang pang siyam na kabiguan sa 13 salang.
Maliban sa DLSU, NU at UST, swak na rin sa semifinals ang Far Eastern University Lady Tamaraws na nasa No. 4 tangan ang 9-4 card.
May tig-isang laro pa ang La Salle, UST at NU kaya krusyal ang huli nilang laro.
Subalit inaasahang mapapalaban ang Lady Spikers sa huling elims match dahil katapat nila ang Golden Tigreeses sa Sabado ng alas-6 ng gabi sa parehong lugar.
- Latest