Butler-less Heat kontra sa Bulls; Pelicans sasagupa sa Kings
MIAMI - Hindi makakalaro si Jimmy Butler sa pagsagupa ng Heat sa Chicago Bulls sa playoff para sa No. 8 seed sa Eastern Conference.
Nagkaroon kasi si Butler ng isang MCL injury sa first period sa naunang 104-105 kabiguan ng Miami sa Philadelphia 76ers.
“I hope that I wake up tomorrow and can still stick-and-move. Right now, I can’t say that’s the case,” sabi ni Butler.
Ang mananalo sa pagitan ng Heat at Bulls ang maghahamon sa N . 1 Boston Celtics sa first-round playoff series.
Bukod kay Butler, hindi rin maglalaro para sa Miami si point guard Terry Rozier na may strained neck.
Wala rin sa aksyon si Heat shooting guard Duncan Robinson na may back injury, ngunit posibleng maglaro laban sa Chicago.
Sinibak naman ng Bulls ang Atlanta Hawks, 131-116, tampok ang career-high 42 points ni guard Coby White.
Maaaring resbakan ng Chicago ang Miami na nagpatalsik sa kanila sa 2023 play-in game.
“I remember that plane ride back home vividly, everybody was just frustrated,” ani Bulls guard DeMar DeRozan. “That feeling sucked. I know for me that was one thing that was on my mind once I realized we were going back to Miami, not to have that same feeling.”
Samantala, paglalabanan ng Sacramento Kings at New Orleans Pelicans ang No. 8 spot sa Western Conference.
Ang magwawagi ang sasagupa sa No. 1 Oklahoma City Thunder sa first-round playoffs.
Sa opening round ng Eastern Conference ay magtatapat ang No. 2 New York Knicks at No. 7 Philadelphia 76ers; ang No. 3 Milwaukee Bucks at No. 6 Indiana Pacers; at ang No. 4 Cleveland Cavaliers at No. 5 Orlando Magic.
Ang Celtics ang unang nakakuha ng postseason spot at nagmamay-ari ng overall best record.
Sa Western Conference first-round ay sasagupain ng No. 2 Denver Nuggets ang No. 7 Los Angeles Lakers; ang No. 3 Minnesota Timberwolves kontra sa No. 6 Phoenix Suns at ang No. 4 Los Angeles Clippers laban sa No. 5 Dallas Mavericks.
Ang lahat ng laro ay best-of-seven series.
- Latest