^

PSN Palaro

Lady Altas kinopo ang NCAA soft tennis title

Pilipino Star Ngayon
Lady Altas kinopo ang NCAA soft tennis title
Nag-pose ang Perpetual Lady Altas soft netters na kampeon sa NCAA Season 99.

MANILA, Philippines — Winalis ng University of Perpetual Help System DALTA ang double round eliminations para angkinin ang NCAA Season 99 women’s soft tennis crown kahapon sa Rizal Memorial Tennis Court sa Malate, Manila.

Ang Lady Altas ay binanderahan nina national team member Christy Sañosa, Cindy Nuguit, Lyke Lei Sañosa, Liminiree Caylaluad at Aira Nuguit.

Tinalo ng Perpetual ang San Beda, 2-1, sa second round para agawin sa Lady Red Lioness ang titulo sa unang pagkakataon matapos ang 13 taon.

“I’m very proud to represent my alma mater here at NCAA and nakapagbigay ako, kasama ang mga teammates ko, ng karangalan sa Perpetual before we graduated,” ani Sañosa na hinirang na MVP.

Kinilala si Liminiree Caylaluad ng Lady Altas bilang Freshman of the Year habang si Angela Valdez ng San Beda ang Rookie of the Year at si Samuel Nuguit ang Coach of the Year.

Sa men’s division, kino­po ng St. Benilde Blazers ang korona matapos gibain ang Perpetual Help Altas sa finals 5-4, 0-4, 4-1.

Ang Blazers ay kinabibilangan nina Joseph Gadon, Carlos Santiago, Andrew Garcia Jr., Jibril Perpetua, Sherwin Villacorte at Pete Rodriguez.

vuukle comment

NCAA

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Vape!
1 day ago
1 day ago
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with