^

PSN Palaro

76ers inupuan ang No. 7 seed sa East playoffs

Pilipino Star Ngayon

PHILADELPHIA — Kumolekta si Joel Embiid ng 23 points at 15 rebounds para banderahan ang 76ers sa 105-104 pagtakas sa Miami Heat sa play-in tournament.

Inangkin ng Philadelphia ang No. 7 seed at hahamunin ang second-seeded New York Knicks sa opening round ng Eastern Conference playoffs.

Nag-ambag si Nicolas Batum ng 20 points habang may 19 markers si Tyrese Maxey.

Sasagupain ng Miami ang Chicago Bulls sa agawan para sa No. 8 seed sa Eastern Conference playoffs kung saan ang mananalo ang lalaban sa No. 1 Boston Celtics sa first-round.

Bumangon ang 76ers mula sa isang 14-point deficit sa first half para agawin ang 96-94 bentahe sa likod ng three-point play ni Embiid bago nakatabla ang Heat sa 96-96.

Natawagan si Tyler Herro ng backcourt violation sa posesyon ng Miami na nagresulta sa 3-point play ni Kelly Oubre Jr. para sa 99-96 kalamangan ng Philadelphia.

Tumapos si Herro na may 25 points at may 19 mar­kers si Jimmy Butler.

Sa Chicago, humataw si guard Coby White ng career-high 42 points para banderahan ang Bulls sa 131-116 pagsibak sa Atlanta Hawks.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with