Born-2013 Blue Eagles wagi ng RIFA Cup Finals
MANILA, Philippines – Dinomina ng Midget D Born-2013 Football Varsity Team ng Ateneo de Manila Grade School ang Claret School of Quezon City, 7-2, sa championship round para sa titulo ng Rizal Football Association (RIFA) tournament sa Moro Field ng Ateneo De Manila University sa Katipunan, Quezon City.
Bumandera sa paghahari ng Midget D Born 2013 squad sina Most Valuable Player Jacob Navarro at goalkeeper Nick Alexander “Niall” Enciso.
“Most of all, we dedicate this win to each other because this is something we will look back on to remember the hard work and sacrifice that come with the win,” ani Navarro.
“It’s really exciting for all of us to do this together. We trained hard for this. We remembered everything our coaches taught us to be the best team on that field,” dagdag ni Enciso.
Ang tropa nina head coach JP Merida at assistant coach Jerwin Belina ay binubuo rin nina Miguel Tagarda, Ryan Moti, Jose Bernal, Altis Villaseñor, Ryuji Alminar, Daniel Guerrero Jr., Ethan Villanueva, Marcus Cuyugan, Ryu Famorcan, Miggy Pineda, Mateo Roman, Kenzie Maglonso, Zac Diaz, Vayil Querol, Ethan Alferez, Temujin Posadas, Zach Bautista at Gab Castro.
Bago makapasok sa finals at talunin ang Claret School ay kinailangan muna ng Ateneo Midgets D Born 2013 team na labanan ang mga mabibigat na koponan.
Kabilang dito ang mga football varsity teams ng Colegio San Agustin Boys at Holistic Education and Development Center (HEDCen).
Itinatag noong 1963, ang RIFA tournament ay naglalayong magsilbi sa mga kabataan sa pag-asang mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa football.
- Latest