Lady Tams tutuhugin ang ika-4 dikit vs Lady Warriors

Malaking isda ang nabingwit ng FEU sa ka­nilang huling laro, ginilitan nila ang University of Santo Tomas,19-25, 25-19, 21-25, 25-20, 15-10 noong Sabado.

MANILA, Philippines — Nais ng Far Eastern University na pahabain ang kanilang winning streak sa apat sa pakiki­paglaban nila sa University of the East  sa second round ng UAAP Season 86 women’s volleyball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum ngayong araw.

Malaking isda ang nabingwit ng FEU sa ka­nilang huling laro, ginilitan nila ang University of Santo Tomas,19-25, 25-19, 21-25, 25-20, 15-10 noong Sabado.

Bagama’t kahit anong maging resulta ng laban ng Lady Tamaraws sa Lady Warriors ay mananatiling nakapuwesto sila sa No. 4 at paniguradong papalo sila ng bola sa semifinals.

Tangan ng Lady Tams ang 7-4 karta, nasa pang-lima ang Ateneo Lady E­agles na may 4-8 record.

Nakatakda ang sagupaan ng FEU at UE sa alas-4 ng hapon matapos ang banatan ng La Salle at Adamson sa alas-2.

Sasandalan ng Lady Tamaraws sina Faida Bakanke, Christine Ubaldo, Gerzel Mary Petallo, Chenie Tagaod at Jean Asis.

Samantala, magkasalo sa top spot ang UST at National University Lady Bulldogs na may tig-10-2 records habang No. 3 ang defending champions De La Salle University Lady Spikers.

Show comments