^

PSN Palaro

Lady Knights pinasuko ang Lady Generals

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinuhog ng Letran Lady Knights ang three-game winning streak matapos nilang payukuin ang Emilio Aguinaldo College Lady Generals, 25-22, 25-21, 23-25, 25-15 sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil EcoOil Centre kahapon.

Muling ipinakita ni rookie Yen Martin ang kanyang tikas matapos magtala ng 16 points kasama ang 15 attacks, 10 digs at anim na receptions para sa Intramuros-based squad na nirehistro ang 3-0 karta at saluhan sa tuktok ng team standings ang defending champions College of Saint Benilde at Lyceum of the Philippines na nanalo sa Arellano University, 25-15, 22-25, 25-11, 27-25 sa unang laro.

Lamang ang Letran ng dalawang sets at pitong puntos sa third set, 15-8, pero natapyasan ito ng Arellano sa tatlo kaya naman ginanahan ang Lady Gene­rals pinamunuan ni skipper Cath Almazan upang kumpletuhin ang kanilang pagbabalik at makahirit ng fourth set game.

Pero hindi na nagpatumpik-tumpik ang Lady Knights, nagtulungan sina Martin, Judiel Nitura at star rookie Gia Maquilang para itarak ang 20-11 bentahe at tapusin ang laro sa set 4.

Kumana si Maquilang ng 12 points at 15 receptions para sa Lyceum.

Maganda ang inilaro ni Almazan matapos magtala ng 22 puntos pero hindi sapat para ipanalo ang Lady Generals na bokya pa rin sa panalo matapos ang tatlong laro.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with