St. Clare nakasilip ng tsansa sa quarterfinals

MANILA, Philippines — Ginulat ng Go Torakku-St. Clare ang CCI-Yengskivel, 118-84, para sa kanilang unang panalo at makasilip ng tsansa sa quarterfinal incentive sa 2024 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Inilista ng St. Clare ang 1-3 record para sa tsansa sa ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals.

Kumonekta si Megan Galang ng apat na three-point shots at tumapos na may 20 points para sa pagtabla ng Go Torakku-St.Clare sa CCI-Yengskivel sa fourth place.

Ang top two teams ang kukuha sa outright semifinal berths habang may win-once bonuses ang third at fourth-ranked teams sa quarterfinals laban sa bottom teams.

Nagdagdag si Simone de Guzman ng 14 points para sa St. Clare habang may 11 at 10 markers sina JM Estacio at Ryan Sual, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni Victor Ryan Nuarin ang CCI-Yengskivel sa kanyang 17 points at may tig-16 markers sina Cerwin Laran at Charles dela Cruz.

Show comments