Quizon amoy na ang GM title

MANILA, Philippines —  Kailangan na lang ni IM Daniel Quizon na maabot ang 2500 elo rating sa chess upang maging ganap na grandmaster.

Kinalawit ni 20-year-old two-time national champion, Quizon ang third at final GM norm ng magkampeon ito sa Hanoi Grandmaster Chess Tournament na nilaro sa Vietnam.nakaraan..

Nakapagtala si Quizon ng seven points sa event na may 10-player single round robin, tinalo nito sa ninth at final round si Vietnamese GM Bui Vinh.

Nalungkot si Quizon ng makatikim ng kabiguan sa round two kay FIDE Master Banh Gia Huy ng Vietnam.

May kalahating puntos si Quizon papasok ng round three, pero umiskor ng 6.5 points siya sa huling pitong laro sapat upang makuha ang korona.

Nasilo ni Quzion ang unang GM norms sa dalawang Eastern Asia Juniors editions sa 2018 sa South Korea at sa Kota Kinabalu, nakaraang taon.

Kasalukuyang may elo rating ang Dasmariñas bet, Quizon na 2460.6 kasama na ang plus 19.3 na nakuha niya sa nasabing tournament.

Show comments