Lady Eagles niresbakan ang Lady Warriors
MANILA, Philippines — Nakarebanse ang Ateneo De Manila University sa University of the East matapos tukain ang 25-17, 23-25, 25-23, 25-16 panalo sa second round ng UAAP Season 86 women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagtala si Lyann Marie Loise De Guzman ng 25 points mula sa 21 attacks, tatlong blocks at isang service ace para bawian ng Lady Eagles ang Lady Warriors na kumaldag sa kanila sa opening day ng liga.
Dahil sa panalo ay nakalsuhan ng Ateneo ang two-game losing skid at mapaganda ang kanilang baraha sa 4-8.
Nasa pang-lima ang Lady Eagles at wala nang pag-asa pang makahabol sa No. 4 na hawak ng far Eastern University Lady Tamaraws (7-4).
“There’s no more chance to be in the top four, but we need to fight for the best position,” wika ni first-year coach Sergio Veloso.
Puntirya ng Ateneo na makahirit pa ng panalo sa Linggo kontra sa nagdedepensang De La Salle University Lady Spikers sa Smart Araneta Coliseum.
Pumalo si Casiey Dongallo ng 27 points para sa Lady Warriors na nalasap ang pang-siyam na talo sa 11 laro.
- Latest