^

PSN Palaro

Lady Red Spikers hinataw ang unang panalo

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Limang sets ang ki­na­­­ilangan ng San Beda Uni­versity para sakmalin ang San Sebastian College, 25-17, 25-23, 22-25, 21-25, 15-10, sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Nagliyab ang opensa ni Angel Mae Habacon matapos magtala ng 25 points para sa San Beda na nilista ang unang panalo sa tatlong laro.

Maaga sanang naidispatsa ng Lady Red Spi­kers ang Lady Stags nang ma­kauna sa dalawang sets, pero hindi basta nagpadaig ang huli at nakahirit ng de­ciding fifth set.

Naging matatag ang San Beda sa fifth set kaya na­sungkit ang panalo at ipinalasap sa SSC ang ikatlong sunod na kabigu­an.

Bokya pa rin sa panalo ang Lady Stags sa tatlong salang.

Nagdagdag sina Klei­ner­ross Abraham at Erin Feliz Navarro ng 14 at 9 mar­kers, ayon sa pagkaka­sunod, para sa Lady Red Spi­kers.

vuukle comment

SAN BEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with