^

PSN Palaro

Tiongson bumomba ng 30 pts sa panalo ng Dyip

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tiongson bumomba ng 30 pts sa panalo ng Dyip
akipag-agawan sa rebound sina Isaac Go at Javi Gomez de Liaño ng Terrafirma kay Justin Arana ng Converge.
PBA

MANILA, Philippines — Nagsalpak si Juami Tiongson ng game-high 30 points para banderahan ang Terrafirma sa 107-99 pagputol sa linya ng Converge sa PBA Season 48 Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kumonekta rin ang ve­teran guard ng apat na three-point shots bukod sa 5 rebounds at 2 assists.

Nagdagdag si 2023 No. 1 overall pick Stephen Holt ng season-high 27 points, 10 boards, 4 assists at 5 steals para sa 1-0 record ng Dyip.

Umiskor sina Justin Ara­na at Alec Stockton ng tig-18 points, habang may 17 markers si Fil-Am guard Schonny Winston para sa 0-1 baraha ng FiberXers.

Mula sa 27-21 abante sa first period ay humataw ang Terrafirma ng 23-6 ata­ke tampok ang dalawang free throws ni Tiongson pa­ra sa kanilang 23-point lead, 50-27, sa 3:56 minuto ng second quarter.

Unti-unti namang nakabangon ang Converge sa third canto hanggang ma­kalapit sa 95-101 ga­ling sa basket ni Arana sa hu­ling 1:51 minuto ng fourth period.

Ang foul shots ni Gelo Alolino sa na­titirang 10.9 se­gundo ang nag-angat sa Dyip sa 105-97 para tiyakin ang panalo sa FiberXers.

Samantala, tar­get pareho ng TNT Tropang Giga at Blackwater ang 2-0 record sa kanilang paghaharap nga­yong alas-3 ng hapon.

vuukle comment

JUAMI TIONGSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with