^

PSN Palaro

Chargers silat sa Cool Smashers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Chargers silat sa Cool Smashers
Kinuyog nina Grethcel Soltones at Ced Domingo ng Akari si Tots Carlos ng Creamline.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Hinataw ng nagdedepensang Creamline ang ikalawang sunod na panalo matapos gibain ang Akari, 25-22, 21-25, 25-22, 25-19, sa 2024 PVL All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Bumira si Tots Carlos ng bagong career-high na 32 points mula sa 31 attacks at 1 ace para sa 2-0 kartada ng Cool Smashers para saluhan ang Chery Tiggo Crossovers sa liderato.

Nag-ambag si Jema Galanza ng 15 markers buhat sa 12 attacks, 2 blocks at 1 ace habang may 8, 7 at 5 points sina Alyssa Valdez, Pangs Panaga at Bea De Leon, ayon sa pagkakasunod.

May 18 excellent sets si Kyle Negrito bukod sa kanyang 4 points.

Pinamunuan ni Fifi Shar­ma ang Chargers, laglag sa 0-2 baraha, sa kanyang 14 points kasunod ang 13 markers ni Dindin Santiago-Manabat at 10 points ni Gretchel Soltones.

Nakatabla ang Akari sa second set, 25-21, bago nagtuwang sina Carlos at Galanza sa third frame para ibigay sa Creamline ang 2-1 bentahe.

Ang atake ni Risa Sato ang nagtaas sa Cool Smashers sa 19-11 sa fourth set, samantalang ang hataw ni Carlos ang tuluyan nang tumapos sa Chargers, 25-19.

Sa unang laro, kinubra ng Farm Fresh ang unang panalo mula sa 25-16, 25-18, 25-16 pagwalis sa Capital1 Solar Energy.

Tumapos si Trisha Tubu na may 15 points mula sa 12 attacks, 2 blocks at 1 ace para sa 1-1 baraha ng Foxies na nakahugot kay Chin Arroyo ng 11 points galing sa 10 attacks at isang ace.

Nagdagdag si Louie Romero ng 12 excellent sets.

Lubog naman ang Solar Spikers sa 0-2 baraha.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with