^

PSN Palaro

Mojdeh kumuha ng lakas sa crowd

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mojdeh kumuha ng lakas sa crowd
Hawak ni Micaela Jasmine Mojdeh ang kanyang medalya.
Chris Co

MANILA, Philippines — Nakasikwat si World Juniors Championships semifinalist Micaela Jasmine Mojdeh ng tansong medalya sa 11th Asian Age Group Championships na ginaganap sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Pumangatlo ang Pala­rong Pambansa champion sa 200m butterfly event upang makapag-ambag sa kampanya ng Team Philippines.

Maganda ang simula ni Mojdeh na umariba agad sa pagsisimula ng laban.

Subalit kinapos ito sa bandang huli ng 50 metro ng karera para magkasya sa tanso sa 15-17 age group.

Naging matibay na ins­pirasyon ni Mojdeh ang home crowd na malakas ang suporta sa kanyang laban.

Nagtala ito ng 2:21.87.

“Thankful ako dahil namamatay na talaga ako sa last 50 meters walang wala na ako pero nung narinig ko yung home crowd doon talaga ako ginanahan to push more,” ani Mojdeh.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Mojdeh sa mga sumuporta sa kanyang laban.

“ I’m really proud that I won a bronze for the Philippines,” dagdag ni Mojdeh na estudyante ng Brent International School Manila.

Nanguna sa naturang event ang Hong Kong bets na sina Yeung Hoi Ching at Mok Sze Ki.

Nagsumite si Yeung ng 2:16.80 para sa ginto ha­bang pumangalawa si Mok tangan ang 2:17.00.

“What gives me motivation is my supporters, my family, my teammates, my friends, everybody. I can see the whole Philippine swimming community r­eally watching me, really chee­ring us on, so thanks so much to them,” ani Mojdeh.

Nauna nang sumalang si Mojdeh sa 200m indi­vidual medley, 400m indi­vidual medley, 4x100m medley relay, at 4x200m freestyle relay. 

vuukle comment

MICAELA JASMINE MOJDEH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with