^

PSN Palaro

4 teams target ang buwenamano

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isasalang ng NLEX ang mga bagong hugot na sina Ato Ular at 6-foot-8 Yousef Taha sa pagharap sa NorthPort sa Season 48 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sasagupain ng Road Warriors ang Batang Pier ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang bakbakan ng Terrafirma Dyip at Converge FiberXers sa alas-4:30 ng hapon.

Kaagad nagposte ng panalo ang TNT Tropang Giga matapos takasan ang Rain or Shine, 108-107, tampok ang 15 points at 14 rebounds ni 6’8 Brandon Ganuelas-Rosser sa kanyang debut.

Nagbalik din si coach Chot Reyes sa bench ng Tropang Giga.

Umiskor naman ang Blackwater Bossing ng 96-93 panalo sa Meralco Bolts sa likod ng 27 points at career-high 10 assists ni Rey Nambatac.

Bukod kina Ular at Taha, aasahan din ng NLEX sina Robert Bolick, Sean Anthony, Anthony Semerad, Mike Miranda, Matt Nieto at Dave Marcelo katapat sina Arvin Tolentino, Joshua Mun­zon, Fran Yu, Brent Pa­raiso at JM Calma ng NorthPort.

Sa unang laro, makikita ni Terrafirma coach Johnedel Cardel ang resulta ng maaga nilang preparasyon sa pagharap sa Converge.

“Workout and skills and inuna namin conditioning para maging more prepared kami sa physical game na alam naming dadalhin hindi lang ng Converge kundi pati na rin ng rest of the field,” ani Cardel.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with