^

PSN Palaro

Perpetual lalapit sa semis

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling pag-aagawan ng University of Perpetual Help, nagdedepensang Letran at Mapua University ang No. 1 spot palapit sa semifinals berth ng NCAA Season 99 juniors basketball tournament.

Magsasagupa ang Junior Altas at Squires nga­yong alas-10 ng umaga matapos ang laro ng San Beda Red Cubs at Jose Rizal Light Bombers sa alas-10 ng umaga sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Pinatumba ng Perpe­tual ang Jose Rizal, 102-84, tampok ang triple-double na 17 points, 18 rebounds at 10 assists ni Amiel Acido.

“I told the boys na ma­ging discipline at all from practice to actual game, become more discipline on our basics, mas gumaling kami sa fundamentals namin in preparation against Letran,” ani coach Joph Cleopas.

Nagmula ang Letran sa 106-85 paggiba sa Arellano sa likod ng 28 points, 6 rebounds, 3 assists at 2 steals ni Daniel Padilla.

Magkasosyo sa liderato ang Perpetual, Letran at Mapua sa magkapareho nilang 6-1 baraha.

Lalabanan ng Red Robins ang Staglets sa alas-2:30 ng hapon kasunod ang pagkikita ng Junior Blazers at Junior Pirates sa alas-4:30 ng hapon.

Sa ikatlong laro sa alas-12 ng tanghali magtutuos ang Braves at Brigadiers.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with