^

PSN Palaro

Lady Eagles nakalipad na

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Lady Eagles nakalipad na
Natisod sa unang dalawang sets ang Lady Eagles, pero bumangon agad upang sikwatin ang tatlong natitirang frames at ilipad ang unang panalo ngayong season.
Photos by UAAP Season 86 Media Team

MANILA, Philippines — Pahirapang dinagit ng Ateneo ang 22-25, 20-25, 25-22, 25-17, 15-9, panalo kontra University of the Philippines sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Natisod sa unang dalawang sets ang Lady Eagles, pero bumangon agad upang sikwatin ang tatlong natitirang frames at ilipad ang unang panalo ngayong season.

Tumikada si Lyann De Guzman ng 24 points mula sa 19 attacks, apat na blocks at isang service ace upang tulungan ang Ateneo na ilista ang 1-2 karta habang wala pang panalo ang Lady Maroons sa tatlong laro.

Sa unang laro nasilo ng National University Lady Bulldogs ang two-game winning streak matapos nilang walisin sa tatlong sets ang Adamson University Lady Falcons, 25-17, 25-20, 25-20.

Tumikada si Alyssa Solomon ng 17 points mula sa 14 attacks, dalawang blocks at isang service ace habang bumakas si Mhicaela Belen ng 15 puntos para akbayan ang NU na may dalawang panalo na sa tatlong laro.

Malaking bagay din ang nagawa ni Camilla Lamina matapos magtala ng 17 excellent sets para sa last year’s runner-up Lady Bulldogs na nakabangon na mula sa pagkasilat sa una nilang laro.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with