^

PSN Palaro

Slam Dunk Contest papalitan sa All-Star Weekend

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Hindi masisilayan sa taong ito ang Slam Dunk Contest sa 2024 PBA All-Star Weekend sa Bacolod City.

Bilang kapalit, idaraos ang Three-Point Shootout para sa mga bigmen.

Bumabandera sa listahan ng mga kalahok sa Three-Point Shootout sina Jason Perkins ng Phoenix, Sean Anthony ng NLEX at Keith Datu ng Rain or Shine.

Kasali rin sina Christian David ng Blackwater, Ralph Cu ng Ginebra, Keith Zaldivar ng Converge, Aris Dionisio ng Magnolia at Brandon Bates ng Meralco.

Pasok din sina JM Calma ng NorthPort, Moala Tautuaa ng San Miguel Beer, Isaac Go ng Terrafirma at Brandon Ganuelas-Rosser ng TNT.

Sa regular Three-Point Shootout, dedepensahan ni Paul Lee ng Magnolia ang korona nito habang hahataw din si 2023 Three-Point Shootout runner-up Marcio Lassiter ng San Miguel.

Sa Obstacle Challenge, hahataw si defending champion Dave Marcelo ng NLEX.

Lalaruin ang All-Star Weekend sa Marso 23 hanggang 24 sa Bacolod City.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with