^

PSN Palaro

Estudyante Esports SummEEt ikinasa sa Sabado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipagdiriwang ng Estudyante Esports, isa sa mga flagship pillars ng grassroot esports po­werhouse Dark League Studios, ang pag-iisa ng esports at education sa Estudyante Esports SummEEt sa Sabado sa Rizal Memorial Coliseum.

Tatalakayin sa “SummEEt” ang malawak na holistic programs ng Estudyante Esports na nakalaan sa pagpapataas sa kamalayan, pagpapahalaga at kasanayan sa esports industry pati ang pagtutulak sa isang academic partnerships para suportahan ito sa mga paaralan at unibersidad sa buong bansa.

Higit sa 100 paaralan na ang nagpalista noong Pebrero 25, ang on-ground gathering ng event ay se­sentro kay keynote speech of Dark League Studios co-founder at chief marke­ting officer Alfrancis Chua na isang avid cheerleader ng mga esports players at gamers sa pamamagitan ng PBA Esports franchise.

Sasamahan siya ng mga top executive decision makers at school leaders sa pagtalakay sa esports industry at education.

Pag-uusapan din sa SummEEt ang plano ng Dark League Studios na lalo pang suportahan ang grassroots esports scene at isang business forum sa hanay ng mga globally recognized brands at game developers para tukuyin, pagyamanin at alagaan ang paglaki ng gaming ecosystem sa bansa.

Bukod sa mga industry personalities, itatampok din sa event ang dress code kung saan papayagang magsuot ng cosplay ang mga partisipante na may katapat na premyo para sa mga mananalo.

Itatampok din sa Estudyante Esports ang EE caravan na lilibot sa iba’t ibang rehiyon sa likod ng mga mini-fairs na may ka­samang learning events.

Ang mga Estudyante Esports accredited schools ay gagawing EE school chapters.

vuukle comment

ESPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with