^

PSN Palaro

White, Ajido ibinigay ang unang medalya ng Pinas sa AAGSC

Philstar.com
White, Ajido ibinigay ang unang medalya ng Pinas sa AAGSC
Ibinida ni Heather White ang kanyang bronze medal.

CAPAS, Tarlac – Nilangoy ni Fil-Brit Heather White ang kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa 11th Asian Age-Group Swimming Championships noong Martes ng gabi dito sa New Clark City Aquatics Center.

Inangkin ng New-Zealand-born at Vietnam-based swimmer ang bronze medal sa girls’ 100-meter butterfly sa kanyang tiyempong 1:03.09.

Si Yeung Hoi Ching ng Hong Kong ang umangkin sa gold sa bagong meet record na 1:00.50 kasunod ang kababayang si Mok Sze Ki (1:02.73) para sa silver.

“I would say this was one of the best performances. I did also get a gold in SEA Age but it’s not as competitive as the Asian age group so this one meant a lot more to me,” wika ng 16-anyos na si White na ang nanay na si Jenny ay tubong Pantukan, Davao de Oro.

Ang tinutukoy ni White ay ang kanyang fifth place finish sa 50m freestyle (26.68) sa likod nina Kazakhstan tanker Sofiya Abubakirova (26.25), Pei Hsuan Li (26.28) ng Chinese Taipei, Rimika Taira (26.31) ng Japan at Gilaine Ma (26.54) ng Hong Kong.

Pupuntiryahin ni White ang ginto sa kanyang pagsalang sa 200m freestyle finals matapos maglista ng second-fastest clocking na 2:09.10 sa heats.

“Iniaalay ko ang tagumpay na ito sa Panginoon at sa aking pamilya,” dagdag ng 15-anyos na nagbulsa ng limang ginto at isang tansong medalya sa Batang Pinoy National Championships noong Disyembre.

Mismong si Philippine Aquatics Inc. (PAI) Secretary-General at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain ang nagsabit ng medalya kina White at Jamesray Ajido.

“Masaya kami ni PAI president Miko Vargas sa panalo ng ating mga swimmers. Morale-boosting ito since may dalawang araw pa ng kompetisyon,” pahayag ni Buhain.

Kumuha rin ng bronze si Ajido sa kanyang tiyempong 24.34 segundo sa boys’ 50m freestyle.

Pumangatlo ang 15-anyos na La Salle-Greenhills standout at double-gold medalist sa NCAA Season 99 kina gold medal winner Toya Hirata (23.21) ng Japan at Wang Yaobin (24.10) ng China.

Lalaban din si Ajido sa finals ng 100m butterfly sa itinalang 56.91 segundo sa heat.

vuukle comment

SWIMMING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with