^

PSN Palaro

PLDT wagi sa Nxled

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PLDT wagi sa Nxled
Pinalo ni Savi Davison ng PLDT ang bola sa kanan laban sa depensa ni Kirch Macaslang ng Nxled.

MANILA, Philippines — Bukod sa opensa ay naging susi rin ng PLDT Home Fibr ang matibay nilang depensa para sa ikalawang sunod na panalo.

Pinatumba ng High Speed Hitters ang Nxled Chameleons, 25-17, 25-23, 25-22, para sumosyo sa liderato ng 2024 PVL All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pumagitna si team captain Kath Arado na naglista ng 29 excellent digs at 12 excellent receptions para sa pagtabla ng PLDT sa Chery Tiggo sa top spot ng team standings.

“Happy na medyo natuloy namin iyong momentum from last game. Pero ayun nga marami pa ring aayusin,” ani coach Rald Ricafort.

Humataw si Fil-Canadian Savi Davison ng 13 points mula sa 13 attacks sa paghuhulog sa Nxled sa 0-2 habang may 11 at 10 markers sina Jessey De Leon at Majoy Baron, ayon sa pagkakasunod.

Nagdagdag sina Fiola Ceballos at Keisha Bedonia ng tig-6 points para sa High Speed Hitters.

Matapos isuko ang first set, 17-25, ay nakipagsabayan ang Chameleons sa second frame tampok ang pagbibida ni Ivy Lacsina, umiskor ng 12 points, para sa kanilang 23-24 pagdikit.

Ngunit tinapos ni Davison ang nasabing laro para sa 2-0 bentahe ng PLDT.

Hindi rin natinag ang Nxled sa third set at inilista ang 8-4 kalamangan hanggang maiwanan sa 22-24.

Ang napalakas na tirada ni Camille Victoria sa po­sesyon ng Chameleons ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng High Speed Hitters.

vuukle comment

SPORTS

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with