^

PSN Palaro

Perpetual babangon sa pagkatalo

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pipilitin ng University of Perpetual Help na makabangon sa una nilang kabiguan sa NCAA Season 99 juniors basketball tournament sa pagharap sa Jose Rizal University.

Sasagupain ng Junior Altas ang Light Bom­bers ngayong alas-2:30 ng hapon kasunod ang upa­kan ng Mapua Red Ro­bins at Lyceum Junior Pirates sa alas-4:30 ng hapon sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Sa unang laro sa alas-8 ng umaga magkikita ang San Sebastian Staglets at St. Benilde Junior Bla­zers habang lalabanan ng nagdedepensang Letran Squires ang Arellano Braves sa alas-10 ng umaga.

Sa alas-12 ng tanghali magtutuos ang San Beda Red Cubs at Emilio Aguinaldo College Brigadiers.

Tabla sa itaas ng team standings ang Perpetual, Letran at Mapua sa magkakatulad nilang 5-1 record kasunod ang San Sebastian (4-3), San Beda (3-3), Jose Rizal (2-4), EAC (2-4), St. Benilde (2-4), Arellano (1-5) at Lyceum (1-5).

Nakalasap ang Junior Altas ng 71-72 kabiguan sa Red Robins, samantalang nagmula ang Light Bom­bers sa 70-75 pagkatalo sa Junior Blazers.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with