^

PSN Palaro

Ika-17 triple-double inilista ni Jokic

Pilipino Star Ngayon
Ika-17 triple-double inilista ni Jokic
Umeskapo si Nuggets center Nikola Jokic mu­la sa depensa ni Duop Reath ng Blazers.

PORTLAND, Ore. — Inilista ni Nikola Jokic ang 29 points, 15 rebounds at 14 assists para sa kanyang ika-17 triple-double sa season sa 127-112 pagdaig ng nagdedepensang Denver Nuggets sa Trail Blazers.

Nagpasabog si Michael Porter ng 34 points para sa Denver (38-19) na nakahugot kay Collin Gillespie ng 18 points tampok ang apat na 3-pointers.

Binanderahan ni Jerami Grant ang Portland (15-40) sa kanyang 25 points habang may 22 at 21 mar­kers sina Deandre Ayton at Anfernee Simons, ayon sa pagkakasunod.

Nang kunin ng Nuggets ang five-point lead sa first period ay hindi na nakalamang ang Bla­zers hanggang sa fourth quarter.

Sa Los Angeles, kumo­lekta si LeBron James ng 30 points, 9 assists at 7 rebounds sa 123-118 pagtakas ng Lakers (31-27) sa San Antonio Spurs (11-40).

Sa Memphis, umiskor si Kawhi Leonard ng 24 points para gabayan ang LA Clippers (37-18) sa 101-95 panalo sa Grizzlies (20-37).

Sa New Orleans, nag­lista si Bam Adebayo ng 24 points at may 23 markers si Jimmy Butler sa 106-95 pagsunog ng Miami Heat (31-25) sa Pelicans (34-23).

vuukle comment

BASKETBALL

NBA

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with