^

PSN Palaro

Perpetual kakapit sa liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Perpetual kakapit sa liderato
Nakatakda ang bakbakan ng Junior Altas at Red Robins ngayong alas-10 ng umaga matapos ang pagtutuos ng Letran Squires at Emilio Aguinaldo College Brigadiers sa alas-8 ng umaga sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

MANILA, Philippines — Ang patuloy na pagsosolo sa liderato ang hangad ng University of Perpe­tual Help sa pagharap sa Mapua University sa NCAA Season 99 junior basketball tournament.

Nakatakda ang bakbakan ng Junior Altas at Red Robins ngayong alas-10 ng umaga matapos ang pagtutuos ng Letran Squires at Emilio Aguinaldo College Brigadiers sa alas-8 ng umaga sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Magkikita sa alas-12 ng tanghali ang San Sebastian Staglets at Arellano Braves kasunod ang upakan ng San Beda Red Cubs at Lyceum Junior Pirates sa alas-2:30 ng hapon at pagtatapat ng St. Benilde Junior Blazers at Jose Rizal Light Bombers sa alas-4:30 ng hapon.

Hawak ng Perpetual ang 5-0 kartada kasunod ang Letran (4-1), Mapua (4-1), San Beda (3-2), San Sebastian (3-2), Jose Rizal (2-3), EAC (2-3), St. Benilde (1-4), Arellano (1-4) at Lyceum (0-5).

vuukle comment

BASKETBALL

NCAA

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with