^

PSN Palaro

Cone nakulangan sa inilaro ng Gilas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cone nakulangan sa inilaro ng Gilas
Hindi nagkaamuyan sa rebound sina naturalized player Justin Brownlee, Kevin Quiambao at CJ Perez laban sa Hong Kong.
fiba.com

MANILA, Philippines — Inilampaso ng Gilas Pi­­lipinas ang Hong Kong, 94-64, sa kanilang unang asignatura sa FIBA Asia Cup Qualifiers 2025.

Bagama’t magandang panalo ito, hindi pa rin kuntento si Gilas PIlipinas head coach Tim Cone lalo pa’t hindi maganda ang simula ng kanyang tropa.

Lumamang ng 11 puntos ang Gilas Pilipinas su­bal­it nakabalik sa porma ang Hong Kong para maidi­kit ang iskor.

“We didn’t play as well as we hoped. The first half was certainly shaky, just first game jitters, I hope,” sabi ni Cone.

Hawak lamang ng Gilas Pilipinas ang 41-37 kala­ma­ngan sa halftime.

Subalit lumabas na ang bangis ng Gilas Pilipi­nas sa third quarter nang mag­pasabog ng kaliwa’t ka­nang atake sa likod ng matikas na laro nina Scottie Thompson at Kai Sotto.

Si Thompason ang nagmando sa plays, habang hawak ni Sotto ang re­bounding department.

Nagpasiklab din sina Justin Brownlee, Dwight Ramos at Jamie Malonzo nang ilatag ng tropa ang 30-9 ratsada na naging mitsa para tuluyang patum­bahin ang Hong Kong.

“The third quarter was more on what we expected. We were able to create offense off our defense and then our crowd took over and gave us momentum,” ani Cone.

Umaasa si Cone na first game jitters lamang ito at magandang lesson para sa kanilang mga susunod na laban.

Sa naturang laro, nanguna si Brownlee na humakot ng 26 puntos, habang nagdagdag naman si Kevin Quiambao ng 15 markers.

Nakalikom si Sotto ng 13 points at 15 rebounds.

Sunod na haharapin ng Gilas Pilipinas ang Chinese-Taipei bukas sa Philsports Arena sa Pasig City.

vuukle comment

GILAS PI­­LIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with