^

PSN Palaro

Chery Tiggo magsosolo; Creamline sasalang

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Chery Tiggo ang ikalawang sunod na panalo, habang sisi­mu­lan ng Creamline ang pag­­dedepensa sa korona sa 2024 PVL All-Filipino Con­­ference sa Smart Arane­ta Coliseum.

Haharapin ng Crossovers ang Strong Group Ath­­letics ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang sal­­pukan ng Cignal HD Spi­kers at Akari Chargers sa alas-4 ng hapon.

Sa huling laro sa alas-6 ng gabi haharapin ng Cool Smashers ang Farm Fresh Foxies.

Umiskor ang Chery Tiggo ng 25-6, 25-15, 25-15 panalo sa Capital1 Solar Energy noong Martes.

Kumana para sa Crossovers ang bagong hugot na si Ara Galang na nagtala ng 12 points, habang may 11 mar­kers si Mylene Paat.

Sinabi ni coach Kungfu Reyes na epektibo ang tam­balan nina Joyme Ca­gande at Alina Bicar ha­bang hinihintay ang pagba­balik ni Jasmine Nabor

“Well executed iyong set play ni Joyme,” wika ni Re­yes kay Cagande na tu­mapos na may 6 sets. “We’re also happy nandiyan si Alina (Bicar), unti-unti nang nabubuo iyong Chery (Tiggo) na hinihintay namin.”

vuukle comment

CHERY TIGGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with