^

PSN Palaro

5-0 na ang Junior Altas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Ipinoste ng University of Per­petual Help ang pang-li­mang sunod na panalo ma­tapos talunin ang Arella­no University, 100-79, sa NCAA Season 99 junior basketball tournament ka­ha­pon sa Filoil EcoOil Are­na sa San Juan City.

Sinolo ng Junior Altas ang liderato sa kanilang 5-0 record at ibinagsak ang Braves sa 1-4 marka.

Tumipa si Amiel Amido ng 21 points, 7 rebounds, 7 assists at 1 steal para ban­de­rahan ang Perpetual, ha­bang naglista si Lebron Da­ep ng 11 markers, 10 boards, 2 assists, 2 steals at 3 blocks.

Samantala, pinatumba ng nagdedepensang Letran Squires ang Mapua Red Robins, 86-69, para sa ikatlong dikit na ratsada.

May magkatulad na 4-1 baraha ngayon ang Squires at Red Robins.

Inagaw naman ng San Beda Red Cubs ang 64-62 panalo kontra sa St. Be­nilde Junior Blazers para sa 3-2 kartada.

Laglag ang Juniors Bla­zers sa 1-4.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with