Gilas Pilipinas sasagupa sa Hong Kong ngayon
MANILA, Philippines — Sisimulan ng Gilas Pilipinas ang kampanya nito sa first window kontra sa Hong Kong sa pag-arangkada ng FIBA Asia Cup Qualifiers 2025 sa Tsuen Wan Stadium sa Hong Kong.
Magtutuos ang Gilas Pilipinas at Hong Kong ngayong alas-8 ng gabi kung saan pakay ng Pinoy cagers na makuha ang unang panalo.
Alam ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na mataas ang expectations ng fans sa kanilang tropa.
Ngunit tiwala si Cone na magbibigay ng magandang laban ang Gilas Pilipinas na sumalang sa matinding ensayo sa Inspire Sports Academy sa Calamba bago tumulak pa-Hong Kong.
“At the Inspire camp, everything was foundational. We’re not gonna take any shortcut, not gonna jump around but build consistently forward,” ani Cone.
Magandang simula ito para sa Gilas Pilipinas players na siyang huhubugin sa loob ng apat na taon upang sumabak sa malalaking international tournaments na darating.
“It’s important that we win, but it’s more important we build on foundation and the next one after that,” dagdag ni Cone.
Ipaparada ng Gilas sina naturalized player Justin Brownlee, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Jamie Malonzo, CJ Perez, Calvin Oftana, Chris Newsome, Kai Sotto, Carl Tamayo, Dwight Ramos at Kevin Quiambao.
- Latest