^

PSN Palaro

Gawilan, Otom swak sa Paris Paralympics

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gawilan, Otom swak sa Paris Paralympics
Ernie Galiwan
PSC

MANILA, Philippines — Maglalaro sina veteran para swimmer Ernie Gawilan at para tanker Angel Otom sa 2024 Paralympic Games sa Paris, France.

Ito ay matapos makakuha ang 32-anyos na si Gawilan ng Minimum Qualifying Standard (MQS) at pagkakasama sa Top 6 sa men’s 400m freestyle at Top 8 sa 200m individual medley events.

May MQS na rin ang 19-anyos na si Otom bukod sa pagiging No. 3 sa 50m backstroke at No. 6 sa 50m butterfly events.

Ito ang ikatlong sunod na Paralympics stint ni Gawilan matapos sumabak noong 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil at noong 2020 sa Tokyo.

Lumangoy din siya ng gold medals sa 2018 at 2022 editions ng Asian Para Games at sa ASEAN Para Games noong 2014, 2015, 2017 at 2022.

Nakatakda ang Paris Paralympics sa Agosto 28 hanggang Setyembre 8 na lalahukan ng 4,400 paralympic athletes sa buong mundo.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with