^

PSN Palaro

Perpetual, Mapua kakapit pa sa liderato

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang pagsosolo sa lide­rato ang hangad ng University of Perpetual Help at Mapua University sa NCAA Season 99 junior basketball tournament sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Lalabanan ng Junior Altas ang San Beda Red Cubs ngayong alas-12 ng tanghali at haharapin ng Red Robins ang Jose Rizal Light Bombers sa alas-8 ng umaga.

Pinatumba ng Junior Altas ang Junior Blazers, 110-91, tampok ang 33 points ni Amiel Acido para sa kanilang ikatlong dikit na ratsada.

Nagmula naman ang Red Cubs sa 85-77 panalo sa Brigadiers para sa ikalawa nilang tagumpay.

Sa alas-10 ng umaga ay magtutuos ang St. Benilde at Arellano habang magkikita ang San Sebastian at EAC sa alas-2:30 ng hapon at haharapin ng Letran ang Lyceum sa alas-4:30 ng hapon.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with