^

PSN Palaro

Ancajas pa-Tokyo ngayon

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang bumiyahe ngayong araw si dating world boxing champion Jerwin Ancajas patungong Tokyo, Japan para sa kanyang paghahamon kay Japanese bantamweight king Takuma Inoue.

Tatangkain ni Ancajas (34-3-2, 23 knockouts) na maagaw kay Inoue (18-1- 0, 4 KOs) ang suot nitong World Boxing Associa_tion (WBA) sa Pebrero 24 sa Ryogoku Kokugikan National Sumo Arena sa Tokyo.

Ibinuhos ni Ancajas ang kanyang oras sa pag-eensayo sa Survival Camp sa Magallanes, Cavite.

Kabilang sa mga nakasparring ng 31-anyos na Filipino challenger ay sina dating world bantamweight contender Vincent Astrolabio, Alex Santisima, Bryl Bayuso, Marvin, Esquerdo, Daniel Lim, Miller Alapormina, Jesus Magdayo at Alexis Abilar. Noong Nobyembre 15 ang orihinal na suntukan nina Ancajas at Inoue kundi lamang nagkaroon ng rib injury ang kapatid ni unified super bantamweight titlist Naoya Inoue sa training. Bagama’t may timbang na 125 pounds ay kumpiyansa ang kampo ng tubong Panabo, Davao del Norte na makukuha niya ang weight limit na 118 pounds sa araw ng laban.

Ito naman ang unang title defense ni Inoue sa kanyang hawak na WBA belt matapos ang unanimous decision win kay Venezuelan Liborio Solis.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with