Flying Titans paborito sa PVL

MANILA, Philippines — Marami ang nakatutok sa Choco Mucho matapos itong makapasok sa finals sa nakalipas na kumperen­siya.

Kaya naman itinututing na isa na ito sa mga teams to beat sa oras na magbu­kas ang 2024 Premier Volleyball League (PVL) ALl-Filipino Conference sa susunod na linggo.

Alam ni 2023 2nd All-Fi­lipino Conference MVP SIsi Rondina na isa ang Flying Titans sa paghahandaan ng bawat team.

Ngunit ayaw ni Rondina na magpadala sa pressure.

Nais na lamang nitong gawin ang lahat ng kanyang makakaya upang ma­tulungan ang team sa All-Filipino Conference.

“Hindi ko naman iniiisip iyong expectations ng iba sa akin at sa Choco Mucho. Kami naman magtatraba­ho lang para makakuha ng magandang results,” ani Rondina.

Sumalang sa training camp ang Flying Titans sa off-season.

Show comments